Problema kay Donaire, gusto ng tapusin ni Arum
MANILA, Philippines - Bukas si Top Rank chairman Bob Arum na ma-isaayos na ang problema kay Nonito Donaire Jr. para makabalik na ito sa pagbo-boxing.
Nakatengga ang career ni Donaire matapos nga ang ginawang paglipat nito sa karibal ng Top Rank na Goldon Boy Promotions.
Pumirma ng kontrata si Donaire sa GBP sa paniniwalang paso na ang tatlong taong kontrata na pinirmahan sa Top Rank moon Hunyo 26, 2008.
Pero sinabi ng Top Rank na sa 2013 pa matatapos ang kontrata dahil napahinga ang boxer nang nagkaroon ng mga injuries.
Nakikipag-ugnayan ngayon ang Top Rank sa manager ni Donaire na si Cameron Dunkin para ayu-sin ang problema.
“We’re trying to sort this out right away for Nonito’s benefit,” wika ni Arum.
Ikinuwento pa ng beteranong promoter na lumapit na sila sa isang arbitrator ay sinabi din na hindi balido ang kontratang pinirmahan ni Donaire sa GBP.
Kaya nananalig si Arum na makikinig si Donaire sa mga taong may alam sa problemang ito at mag-isip na tumahak sa landas na tama at ito ay ang pagbalik sa Top Rank.
“It’s really up to Nonito if he wants to get this over with. If this drags, it won’t be to his benefit. Timing is crucial in a fighter’s career. The priority is to set a fight date,” dagdag pa ni Arum.
Hindi naman magiging problema ang paghahanap ng makakalaban ni Donaire dahil naririyan sina Anselmo Moreno ng Panama, Jorge Arce ng Mexico at Guillermo Rigondeaux ng Cuba na magpapasok din ng magandang kita sa Filipino boxer.
Si Donaire ay huling lumaban nitong Pebrero at tinalo niya sa pamamagitan ng second round knockout si Fernando Montiel ng Mexico para makuha ang WBC/WBO bantamweight title.
May 26-1 karta kasama ang 18KO, ang 28-anyos na si Donaire ay dapat napalaban nitong Mayo kontra kay Moreno pero ibinasura ito dahil sa paglipat nito sa GBP.
- Latest
- Trending