Sharapova tinalo si Chakvetadze sa Wimby
LONDON - Aminado ang dating kampeon na si Maria Sharapova na ang pagkopo ng kanyang ikalawang Wimbledon title ang siyang perpektong daan upang mabura ang masakit na alaala ng kanyang mga injury.
Nangapa si Sharapova sa kanyang mga sinalihang tournament dahil sa kanyang mga injury sa nakalipas na dalawang taon na naging daan upang lumagapak ang kanyang ranking at nagsulputan ang maraming katanungan hinggil sa kanyang abilidad kung makakapagpatuloy pa siyang lumahok sa mga sport’s top prizes.
Subalit taglay ng 24-anyos ang matinding pagnanasa na maibalik ang kanyang dating porma at matabunan ng Russian ang kanyang mga problema sa kanyang injury.
At nitong Martes, nagbabanta si Sharapova, napagwagian ang kanyang unang Wimbledon noong siya ay 17-anyos noong 2004, at umangat sa No. 6 sa world rankings matapos makarating sa French Open semifinals, na matupad ang kanyang inaasam na ikalawang titulo matapos na talunin ang kapwa Russian na si Anna Chakvetadze, 6-2, 6-1.
Matagumpay naman na sinimulan ni Serena Williams ang kanyang pagdepensa sa hawak na korona matapos igupo si Aravane Rezai, 6-3, 3-6, 6-1.
Sa iba pang laro, umusad rin sa susunod na round ang French Open champion at third-seeded na si Li Na ng China matapos kalusin si Alla Kudryavtseva, 6-3, 6-3, napatalsik naman ang No. 10 na si Samantha Stosur ni Melinda Czink ng Hungary--ang lowest ranked woman sa draw na No. 262, 6-3, 6-4.
Kabilang din sa mga nagsipanalo sina No. 4 Victoria Azarenka, No. 8 Petra Kvitova at No. 11 Andrea Petrokovic.
- Latest
- Trending