^

PSN Palaro

Tigers nakaisa na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Humugot ng solidong paglalaro ang Powerade sa kanilang mga local pla­yers para mawakasan ang dalawang dikit na kabiguan sa pamamagitan ng 109-91 panalo sa Air21 sa pagpapa­tuloy ng PBA Governor’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang mga off the bench players na sina Sean Anthony at Jai Reyes ay naghatid ng 21 at 14 puntos at siyang nagtambal sa huling yugto upang pawiin ang panakot na ginawa ng Express at makapasok na rin sa win-column ang Tigers.

Inako nina Anthony at Reyes ang 25 kabuuang 36 puntos sa huling yugto ng sagupaan upang trangkuhan ang Tigers para ma­balewala ang paghahabol ng Express na nalaglag sa 0-3 karta.

Si Reyes ay nagbagsak ng 10 sa pinakawalang 15-2 run para ang 88-87 ka­titing na kalamangan ay lumobo sa 14, 103-89, isang minuto na lamang sa orasan.

Ang Powerade import na si Chris Porter ang na­nguna sa 22 puntos habang sina Celino Cruz at Norman Gonzales ay naghatid ng 18 at 14 puntos.

“Unang panalo namin ito at makakatulong ito para tumaas pa ang morale namin. Pero dapat ay gumanda pa ang team work namin para mas tumibay ang laro namin,” wika ng beteranong si Cruz na may apat na tres din sa laro.

 Karamihan sa ginawa nina Cruz, Porter at Gonza­les ay nangyari sa second period na kung saan na-outscore ng Tigers ang Express, 32-19, para ang 20-28 paghahabol ay naging 52-47 bentahe sa halftime.

Ngunit di agad na bumigay ang Express at ang limang sunod na puntos ni Niño Canaleta ay nagtabla sa iskor sa 75-all ilang minuto sa pagbubukas ng huling yugto.

May dalawang tabla pang naganap at ang huli ay sa 86-all sa dalawang freethrows ni Hontiveros.

Gumanti ng jumper si Porter habang split sa 15-foot line ang ginawa ni Danny Seigle para idikit pa ang Express sa isa, 88-87, bago umatungal ng malakas ang Tigers sa pagmamado nina Reyes at Anthony.

May 23 puntos si Seigle pero hindi niya natapos ang laro dahil napatalsik siya may 2:03 sa laro bu­nga ng fragrant foul II nang tamaan niya ng bola ang referee matapos pituhan ang kakamping si Elmer Es­­piritu tungo sa 3-point play ni Anthony.

Walang nakuhang sapat na tulong si Seigle sa kanilang import na si Alpha Bangura na gumawa lamang ng 10 puntos, habang tumipa naman si Dondon Hontiveros ng 13 puntos para sa Air21.

Samantala, habang sinu­sulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska Aces at B-Meg Llamados.

Powerade 109 --Porter 22, Anthony 21, Cruz 18, Reyes J. 14, Gonzales 14, Rizada 4, Macapagal 4, Reyes R. 3, Allera 2, Lanete 2, Espino 2, Antonio 2, Quiñahan 1.

Air 21 91--Seigle 23, Hon­tiveros 13, Bangura 10, Canaleta 8, Salvador 7, Avenido 7, Arboleda 5, Espiritu 4, Najorda 4, Sharma 4, Artadi 4, Cabahug 2, Urbiztondo 0.

Quarterscores: 20-28, 52-47, 73-68, 109-91

vuukle comment

ALASKA ACES

ALPHA BANGURA

ANG POWERADE

ARANETA COLISEUM

CRUZ

PARA

PUNTOS

REYES

SEIGLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with