^

PSN Palaro

Sen. Coseteng sinampahan ng kaso sina Genuino, Joseph

- Ni Robbie Pangilinan -

MANILA, Philippines - Ang Philippine Aquatic Sports Association (PASA), ang national sports association para sa swimming sa bansa, ay nasa putikan ngayon matapos magsam­pa ng kasong graft/corruption at money laundering si dating Senador Nikki Coseteng laban kina William Ramirez, Edward King, Butch Francisco, Valentine Custodio, Philip G. Lo, Ester Hernandez at pangulo ng PASA sa Ombudsman kahapon ng umaga.

Si Coseteng, kasama sina Philip­pine Swimming League (PSL) president Su­san Papa, Olympian Jairulla Jaitulla at mga opis­yales at miyembro ng Philippine Aquatic Sports Coaches Association, Inc. (PASCAI) ay nagsampa rin ng kaso laban kina da­ting PAGCOR chairman Efraim Genuino at PASA chief Mark Joseph dahil sa pagkawala ng P30 milyon na dapat ay para sa mga national athletes.

Si Genuino, na inilagay sa puwesto ni dating Pangulong Arroyo, ang PAGCOR chair nang magbigay ito ng direct financial assistance na P30 milyon para sa four-year program ng PASA para sa 2012 London Olympics.

Nakasaad sa Section 26 ng R.A. 6847 na kaila­ngang mag-remit ang PAGCOR ng limang porsiyento ng kita nito direkta sa Philippine Sports Commission (PSC) upang pondohan ang national sports development program. Subalit, ang donasyon sa PASA noong 2009 ay hindi dumaan sa PSC at ibinigay mismo kay Joseph.

Nawawala ang pera at hindi nai-account nang ma­ayos, gaya ng mga pon­do ng PASA mula 2004 hang­gang sa kasalukuyan na hindi naiaayos ng PSC, Commission on Audit (COA) at Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang dating PSC chairman na si Ramirez ang nag-apruba ng direct release ng pondo mula PAGCOR papunta sa PASA na abnormal at iregular.

Napag-alamang ang training center na gina­gamit ng PASA na TRACE Aquatic Center ng TRACE College Inc. sa Laguna ay itinayo ni Genuino.

Si Genuino at ang kanyang asawa at mga anak ay may direct financial inte­rest sa pasilidad.

Bilang chairman sa kanyang termino, si Genuino ay may administrative control sa mga pondong inilalabas mula sa PAGCOR.

Kinumpirma naman ng abugado ni Coseteng na si Atty. Harry Roque na hinihingi ni Genuino sa PAGCOR ang kanyang retirement benefits noong nakaraang linggo, bago madawit ang kanyang pa­ngalan sa mga problema ng swimming community.

Samantala, bago isampa ang kaso, pinalitan ni Joseph ang pangalan ng PASA at ginawang Philippine Swimming, Inc.

Lubog sa kontrobersiya ang PASA na inimbestiga­han ng House Committee on Sports noong Marso matapos isiwalat ni Coseteng ang mga ano­malya sa aso­sasyon, particular na ang pangulo nito. Inakusahan ng da­ting Senador si Joseph ng korapsyon, favoritism, diskriminasyon at iron rule.

Nalungkot si Coseteng matapos malaman na walang nakuhang anumang medalya ang bansa mula 1986 hanggang 1994 at 2002 hanggang 2010.

Dalawang medalya lamang ang nasungkit ng bansa sa 24 taon nitong pagsali sa Asian Games.

Ito ay nanggaling kay Ryan Papa.

ANG PHILIPPINE AQUATIC SPORTS ASSOCIATION

AQUATIC CENTER

ASIAN GAMES

BUTCH FRANCISCO

COLLEGE INC

COSETENG

GENUINO

PASA

SHY

SI GENUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with