^

PSN Palaro

Patrombon kinalawang sa AEGON Junior netfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nangalawang ang Fili­pino netter at 12th seed Je­son Patrombon sa paglalaro sa grass court upang mamaalam agad matapos lamang ang unang laro sa AEGON Junior International--Roehampton na idinadaos sa Great Britain.

Nakakakilos man ng mas maganda kumpara nang unang naglaro sa kompetisyon noong 2010, hindi naman pinalad si Pa­­trombon na makuha ang mahahalagang puntos at matapatan ang nag­baba­gang serve mula sa Russian qualifier na si Ev­geny Karlovskiy tungo sa 5-7, 5-7, straight sets ka­biguan.

Hindi nagamayan agad ni Patrombon ang court da­hil nag-uulan nitong nag­daang mga araw at hindi siya nagkaroon ng sapat na practice sessions.

 Magkakaroon pa si Patrombon, ang 15th ranked ITF netter sa juniors, na makapaglaro pa sa court dahil kasali sila ni Jaden Grinter ng New Zealand sa doubles at unang laro nga nila ay kontra kina Kimmer Coppejans ng Belguim at Filip Peliwo ng Canada.

 Ang Juniors Wimbledon na magsisimula sa su­sunod na linggo ang maaaring maging huling malaking juniors tournament ni Patrombon dahil mas napupusuan na nila na pagtuunan ang Men’s Circuit na kung saan nakasali na ang 18-anyos tubong Iligan sa India at Indonesia nitong mga nagdaang buwan.

 Matindi naman ang laro sa Aegon at bukod kay Patrombon ay nasibak na rin sa Grade I event na ito sina 5th seed Dominic Thiem at 11th seed Patrick Ofner ng Austria.   

ANG JUNIORS WIMBLEDON

DOMINIC THIEM

FILIP PELIWO

GRADE I

GREAT BRITAIN

JADEN GRINTER

JUNIOR INTERNATIONAL

KIMMER COPPEJANS

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with