^

PSN Palaro

2-peat sa Red Lions delikado, Sudan sinalanta ng injury

- Joey Villar -

MANILA, Philippines - Ang malubhang injury ni American import Sudan Daniel ang maaaring ma­kaapekto sa tangkang dalawang sunod na pag­hahari ng San Beda Red Lions sa nalalapit na 87th NCAA men’s basketball tournament.

Isang ACL (anterior cruciate ligament) injury ang natamo ng 6-foot-8 na si Daniel sa isang pre-season game ng San Beda laban sa UAAP champion Ateneo De Manila University noong Mayo.

Ayon kay head coach Frankie Lim, inihahanda na niya sina Dave Marcelo, Jake Pascual, Kyle Pascual at ang kambal na sina Anthony at David Semerad para saluhin ang maiiwang trabaho ni Daniel sa NCAA.

Si Daniel ang nanguna sa itinalang 18-0 title sweep ng Red Lions sa nakaraang 86th NCAA season.

At ang American center ang tinanghal na Season 86 Most Valuable Player.

“All the other teams be­came stronger this year because all of them have really strong recruits and more experienced,” wika ni Lim, inakay ang Men­diola-based cager sa apat na sunod na finals stint, tampok rito ang tatlong korona.

Gusto sana ni Daniel na maglaro ngayong NCAA season ngunit binawalan siya ng mga duktor, ayon kay Lim.

Limang koponan ang inaasahan ni Lim na makakaagawan nila para sa NCAA title sa pagkawala ni Daniel.

Ang mga ito ay ang 20­09 champion San Sebastian, Letran, Mapua at Jose Rizal. Hindi rin mala­yong lumaban ang host Perpetual Help, St. Benil­de, Arellano University at Emilio Aguinaldo College.

Ang Lyceum ay nasa isang probationary status bilang pang 10 miyembro ng NCAA.

ANG LYCEUM

ARELLANO UNIVERSITY

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DAVE MARCELO

DAVID SEMERAD

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANKIE LIM

JAKE PASCUAL

JOSE RIZAL

KYLE PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with