MANILA, Philippines - Nagpasabog ng 30 puntos si Bobby “Ray Ray’ Parks Jr. para pangunahan ang National University sa 87-83 overtime panalo sa Mapua Cardinals para kunin din ang titulo sa 17th Fr. Martin Summer Cup sa San Beda Gym.
Ang anak ng dating PBA 7-time Best Import awardee na si Bobby Parks ay nagbagsak ng limang puntos matapos ang 77-all iskor sa regulation period para maiparating ang malakas na puwersa ng Bulldogs patungo sa mahalagang UAAP season.
Pinuri din niya ang inilaro ni Park, na isang 6’4 forward na isinuot na rin ang pambansang uniporme sa World Youth Olympics 3-on-3 sa Singapore noong 2009.
Si Parks ang nagpanalo nang ipasok ang mga freethrows sa huling segundo ng labanan.
May 18 puntos naman si Dennis Villamor na kinuha ng NU mula sa Rizal Technological University.
Dalawang freethrows nga ang ginawa ni Villamor upang mabasag ang huling tabla sa laro sa 83.
Sa Hulyo 9 magbubukas ang UAAP pero bago makalaro si Parks ay kailangan muna niyang malusutan ang eligibility screening na gagawin sa unang linggo ng Hulyo. Huling nanalo ng titulo ang UAAP ay noon pang 1954.