^

PSN Palaro

NSAs nagsisipagkuha na ng mga foreign coaches

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kanya-kanya na ng pag­kuha ng mga foreign coaches ang mga National Sports Associations (NSA) para mapalakas ang pag­hahangad na tagumpay sa 26th SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre.

Ang wushu ay nabigyan na uli ng Chinese coaches sa taolo at sanshou habang humingi na rin ang fencing, rowing at triathlon upang silang magsanay sa pambansang manlalaro na ilalaban sa kompetisyong gagawin sa Palembang at Jakarta.

Si Dan Brown ang hinu­got ng triathlon habang si Rolandas Kazlauskas ng Lithuania at Zhang li Jun ng China ang pinili ng rowing at fencing.

Hindi naman kasama ang triathlon sa SEA Games pero binigyan na rin sila lalo nga’t naghahanda angmga triathletes sa paglahok sa Asian Championships sa Chinese Taipei mula Setyembre 24 at 25.

Si Kazlauskas ay da­ting coach na ng rowing at siyang tumulong humubog sa Olympian na si Benjie Tolentino. Babayaran si Kazlauska ng US$2,500 sa loob ng anim na buwan na pamamalagi sa bansa.

Si Zhang ang manga­ngasiwa sa epee fencers at tatanggap ng $1,500 bu­wang allowance.

Ikalawang Chinese coach din ito ng fencing ma­tapos kunin si Wang Qing na siyang magsasanay sa saber team.

Si Brown ay tatanggap ng $2,000 bukod pa sa P15,000 pabahay at P10,000 food allowances kada buwan.

Ang iba pang NSAs na may foreign coaches ay ang football at basketball sa katauhan nina Hans Mi­chael Weiss ng Germany at Rajko Toroman ng Serbia. Ang mga ito ay su­musuweldo naman mula sa kanilang NSAs.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

BENJIE TOLENTINO

CHINESE TAIPEI

HANS MI

IKALAWANG CHINESE

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

RAJKO TOROMAN

ROLANDAS KAZLAUSKAS

SHY

SI BROWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with