^

PSN Palaro

US team riders sasabak sa Lanao leg

- Ni RMPangilinan -

Manila, Philippines - Magpapatuloy ang Enersel Forte Philippine Na­tional Motocross Series at World Motocross Series sa Lanao Del Norte mula Hunyo 25 hanggang 27.

Mangunguna sa hanay ng mga pambato ng bansa ay si Glenn Aguilar na magbabalak na mapag-ibayo ang tinamong ikalawang puwestong pagtatapos sa huling yugto na isinagawa sa Iloilo.

Si Tyson Lacey ang siyang hinirang na kampeon sa huling edisyon at ma­ngu­nguna ang nasabing rider sa hanay ng mga da­yuhan na kasali sa tatlong araw na karera.

Ang iba pang dayuhan mula sa American Motocross Association (AMA) ay sina Jake Locks, Dennis Stapleton, Daniel Blair, Kyle Matthew Lewis, Jesse Robert Jolson at Andrew John Morgan.

Una nang nakapagdaos ng motocross sa Lanao Del Norte noong nakaraang Dis­yembre at ang pagbabalik sa nasabing pro­binsya ay naisakatuparan dahil na rin sa suporta ni Governor Mohamad Khalid Dimaporo.

“Pangarap ni Governor Dimaporo na gawin ang Lanao Del Norte bilang motocross capital ng Pilipinas at tiniyak niyang matutuwa ang mga lalahok sa gagawing paghahanda at pag-estima ng mga locals,” wika ni Sel-J President at CEO Jay Lacnit.

Ang butihing Gobernador nga ay sasali rin sa karera tulad ni Lacnit.

Makakaagapay naman ni Aguilar sa hanay ng mga pambatong riders ng bansa ay sina Jolet Jao, Jovie Saulog at Donark Yuson.

AMERICAN MOTOCROSS ASSOCIATION

ANDREW JOHN MORGAN

DANIEL BLAIR

DENNIS STAPLETON

DONARK YUSON

ENERSEL FORTE PHILIPPINE NA

GLENN AGUILAR

GOVERNOR DIMAPORO

GOVERNOR MOHAMAD KHALID DIMAPORO

LANAO DEL NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with