^

PSN Palaro

DOJ saklolo! - GTK

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi mangingiming tumakbo sa Department of Justice si Go Teng Kok upang subukan kung tunay nga ba na hindi sakop ng Philippine courts ang Philip­pine Olympic Committee (POC).

Sa pulong pambalitaan kahapon, binatikos ni Go ang pagpapalabas ng Persona Non Grata resolution ng POC executive board laban sa kanya matapos dalhin sa korte ang usapin sa lide­rato sa PKF.

Aniya, tila may Martial Law sa POC ngayon dahil ang lahat ng gusto ni POC president at dating matin­ding kaalyado na si Jose Cojuangco Jr. ay na­susunod kahit ito ay labag na sa alituntunin ng Olympism.

“Ang hinihiling ko lamang ay bigyan ako ng due process. Iiwan ko ang sports kung ito ang magi­ging findings sa akin ng POC arbitration committee. Pero hindi nila ako pinapa­kinggan. Mula sa pagiging special assistant to the POC president ay Persona Non Grata na ako ngayon,” wika ni Go.

Pinatawan ng ganitong resolusyon si Go na pa­ngulo rin ng PATAFA, dahil sa pagdulog uli nito sa korte para pigilan ang pagkilos ng bagong pamunuan ng PKF sa liderato ni Dr. Enrico Vasquez na nailuklok sa isang eleksyon na ginanap sa Bacolod.

Nakasalang sa Pasig Regional Trial Courts Branch 151 sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacio ang annulment sa eleksyon ni Vasquez at sinasabing magkakaroon na ng desisyon sa bagay na ito sa loob ng ilang araw.

“Gusto kong malaman kung tunay ba talagang hindi sakop ang POC ng Philippine courts at dudulog ako kay DOJ secretary Laila de Lima at kahit sa Human Rights group para makuha ang kanilang opi­nion,” banat pa ni Go.

Aminado rin si Go na hindi niya nais na makipag-away kay Cojuangco pero tulad ng isang aso na itinulak hanggang sa walang mapuntahan kung kaya’t nangangagat na ito, wala rin siyang magawa kundi ang depensahan na ang sarili lalo nga’t walang due process siyang nakukuha.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. ENRICO VASQUEZ

GO TENG KOK

HUMAN RIGHTS

JOSE COJUANGCO JR.

JUDGE RODOLFO BONIFACIO

MARTIAL LAW

OLYMPIC COMMITTEE

PERSONA NON GRATA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with