^

PSN Palaro

Floyd Jr., pinagsusumite ng US judge ng testimonya

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Federal magistrate Judge Robert Johnston kay Floyd Mayweather, Jr. na magbigay ng testimonya nito kaugnay sa isinampang defamation case ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang idinemanda ni Pacquiao si Maywea­ther dahil sa alegasyon nitong gumagamit ang Filipino world eight-division champion ng performance-enhancing drugs (PEDs) sa kanyang mga laban.

Nauna nang iniurong ni Pacquiao ang kanyang demanda kina Golden Boy Promotions president Oscar Dela Hoya at Chief Executive Officer (CEO) Ri­chard Schaefer matapos humingi ng public apology ang dalawa.

Hindi naman ibinunyag ng legal counsel ng Sarangani Congressman na si Daniel Petrocelli kung may sangkot na pera ukol sa pagpapatawad niya kina Dela Hoya at Schaefer.

Kamakalawa ay hindi tinanggap ni Johnston ang isang emergency motion ni Mayweather. Sinabi ng American six-time titlist na kasalukuyan siyang nagha-handa para sa kanilang laban ni Victor Ortiz na nakatakda sa Setyembre 17.

Nahaharap rin si Mayweather sa felony charges mula sa isang domestic argument at misdemeanor harassment at battery charges.

Bukod kay Mayweather, sinampahan rin ng kaso ni Pacquiao ang ama nitong si Floyd, Sr. at tiyuhing si Roger. 

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

DANIEL PETROCELLI

DELA HOYA

FLOYD MAYWEATHER

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JUDGE ROBERT JOHNSTON

LAS VEGAS

MAYWEATHER

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with