PSL sasabak sa Universiade
MANILA, Philippines - Isang 15-man team ang isasabak ng Diliman Preparatory School Swimming Center at ng Philippine Swimming League para sa 26th Summer Universiade, ang kinukunsidera na Olympics para sa mga collegiate level, sa Agosto 12-23 sa Schenzen, China.
Sinabi ni DPS president at chief executive officer at dating Senador Nikki Coseteng na ang UAAP champion na University of the Philippines ay magpapadala ng pinakamalaking delegasyon.
Ang mga UP varsity swimmers ay kinabibilangan nina Robert Steven Villanueva, Sean Michael Garchitorena, Gerald Alvin Alcover, Orpheus Magbanlac, Ma. Claire Adorna, Dennice Juliet Cordero, Antoinette Aquino, Carla Beatriz Grabador at Jacklyn Judith Junio.
Makakasama nila sa delegasyon sina coaches Noel Rivera at Bernardo Cavida.
Ang iba pang kasama sa delegasyon ng DPSS-PSL ay sina Denjylie Cordero, Kimberly Briones at Ajirulla Jaitulla ng University of the East kasama si coach Dennis Cordero. Nasa grupo rin ang Cebu star na si Loren Dale Echavez ng University of San Carlos.
Ang komposisyon ng koponan ay aprubado ng Federation of School Sports Associations base sa rekomendasyon ni Coseteng.
- Latest
- Trending