^

PSN Palaro

NLEX kumakaway sa korona

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines -  Nakitaan ng determinasyon ang NLEX upang ilampaso ang Cebuana Lhuillier, 76-62, sa pagbu­bukas ng PBA D-League Foundation Cup Finals ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa first half pa lamang ay ipinaramdam agad ng Road Warriors ang masid­hing hangarin na makauna sa maigsing best-of-three series nang hawakan ang 36-24 kalamangan.

Mga matitinding runs ang ginawa nga ng Road Warriors upang hindi pa­hin­tulutan ang asam na makabalik sa laro ng Gems upang makuha ng NLEX ang 1-0 kalamangan at ma­ngangailangan na lamang na manalo pa sa Hu­webes upang hiranging kauna-unahang kampeon ng liga.

“Maganda ang inilaro namin dahil preparado ka­mi. Kahit ang depensa ay maganda at nasunod ang plano namin na limitahan lamang sa 60 puntos ang kalaban,” wika ni coach Bo­yet Fernandez.

Tatlong manlalaro ng Road Warriors na sina Ronald Pascual, Rogemar Menor at Chris Hodge ang bumandera sa opensa sa kanilang 19, 14 at 10 puntos habang ang 6’6 Fil-Am na si Hodge ay may pitong supalpal pa.

Si Allein Maliksi ay mayroong 21 puntos, 16 sa se­cond half, pero mag-isa la­mang niyang binalikat ang tropa ni coach Luigi Trillo dahil wala nang ibang kakampi ang umiskor ng doble-pigura.

Sampung sunod na pun­tos ang ginawa ni Malik­si upang idikit ang koponan sa 38-44.

Pero hindi nataranta ang NLEX nang gumanti sila ng 16-9 run para lumayo sa 13 puntos, 60-47, sa kalagitnaan ng huling yugto.

“Masaya ako at naka­una kami pero hindi pa tapos ang serye at alam kong gagawin nila ang lahat para manalo sa game two. Kaya balik kami sa ensayo at mag-focus sa susunod na laro,” dagdag pa ni Fernandez.

NLEX 76 – Pascual 19, Menor 14, Hodge 10, Raymundo 8, Abueva 8, Salamat 7, Ellis 7, Taganas 2, Dehesa 2, Sangalang 1, Co 0.

Cebuana Lhuillier 62 – Maliksi 21, Mepana 9, Fernandez 8, Mandani 7, Hayes 5, Sena 4, Semira 3, Nabong 2, Canta 2, Lee 0, Elinon 0.

Quarterscores: 19-17; 36-24; 53-47; 76-62.

vuukle comment

CEBUANA LHUILLIER

CHRIS HODGE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINALS

FERNANDEZ

LUIGI TRILLO

ROAD WARRIORS

ROGEMAR MENOR

RONALD PASCUAL

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with