NCAA eligibility para sa Season 87 itinakda

MANILA, Philippines - Nagtakda ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) ng eligibility meeting para sa seniors at juniors basketball tournament para sa darating na 87th Season sa Hunyo 15 at 17 sa San Beda College Mendiola campus.

Ang two-day screening ang magdedetermina sa final roster ng mga kuwa­lipikadong students-athle­tes ng lahat ng paaralan.

“It is necessary to have two days for the eligibility to accommodate the ten schools playing,” wika ni Mike Del Mundo, kinatawan ng host University of Perpe­tual Help System Dalta sa Management Committee (Mancom).

Ang mga NCAA member schools ay ang UPHSD, San Sebastian College-Recoletos (SSCR), Mapua Ins­titute of Technology (MIT), Colegio de San Juan de Letran (CSJL), San Beda College (SBC), Jose Rizal University (JRU), College of St. Benilde (CSB), Emilio Aguinaldo College (EAC) at Arellano University (AU).

Tinanggap naman ang Lyceum of the Philippines University bilang guest team para sa taong ito matapos makumpleto ang kanilang mga requirements.

Matapos ang scree­ning, isang traditional kickoff ceremonies ang ihahanda para sa pagsisimula ng 87th NCAA season tampok ang mga Ms. NCAA Can­didates.

Show comments