MANILA, Philippines - Mas madaling magsalita kesa gumawa.
Ito ang pahayag kahapon ni Talk ‘N Text head coach Chot Reyes kaugnay sa tinatarget nilang Grand Slam sa 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA).
Matapos makamit ang mga titulo ng 2011 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, hangad naman ng Tropang texters na makopo ang Governors Cup na hahataw ngayon sa Tacloban City, Leyte.
“It’s easier said than done. But yes, we’re definitely gunning for it,” ani Reyes sa SCOOP Sa Kamayan weekly session sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.
Kung makukuha ng Talk ‘N Text ang Grand Slam, si Reyes ang magiging pang limang mentor sa PBA na nakapagbigay nito sa isang koponan.
Tatlong tropa pa lamang ang nakakasikwat ng Triple Crown sa professional league.
Ito ay ang Crispa Redmanizers noong 1976 at 1983, San Miguel Beer noong 1989 at Alaska Milk noong 1996.
Ang mga coaches namang nakagawa nito ay sina Virgilio “Baby” Dalupan para sa Redmanizers noong 1976, Tommy Manotoc noong 1983 para sa Crispa, si Norman Black noong 1989 para sa Beermen at si Tim Cone noong 1996 para sa Aces.
Ilang bagay ang maaaring maging hadlang sa hangarin ng Tropang Texters, ayon kay Reyes.
“First, there are the eight other teams that, likewise, would try their best to prevent us from succeeding,” ani Reyes. “I also believe that our efforts in winning the first two conferences won’t be enough, so we have to be more focused on the task at hand and more determined on what we’re trying to accomplish.”
Ang import ang magiging susi rin sa tagumpay ng isang koponan sa Governors Cup.
“Import will play a very important role, but we’re handicapped by having a one which hardly stands 6-foot-1,” sabi ni Reyes kay Maurice Baker.