^

PSN Palaro

Cagayan rider dinomina ang Suzuki Bacolod leg

-

MANILA, Philippines - Dinomina ng mga pambato ng Cagayan De Oro ang idinaos na Visayas leg ng Suzuki Raider Breed War, the quarter-mile battle, nang kunin nina Kevin Triambulo at Ruen Carl Ma­ngubat ang dalawa sa tatlong dibisyong pinaglabanan nitong Linggo sa lu­mang paliparan sa Bacolod City.

Tampok na panalo ang naibulsa ng 22-anyos na si Triambulo nang manalo sa Raider R150cc na nilahukan ng 38 karerista kabilang ang 2010 natio­nal champion na si Maiko Adapon.

Tinalo ni Triambulo si Godfrey Dionela, Ramon Vertudes at James Varte para makasama sina Aldrin Alivio at Wienndel Delubio ng Kanlaon City, Negros Occidental sa single round robin finals.

Hindi naman nakapor­ma Sina Alivio at Delubio kay Triambulo para kunin ang titulo sa karerang inor­ganisa ng Suzuki Philip­pines at suportado ng Phoenix Cyclomax.

Ang unang dalawang karerista sa lahat ng dibis­yong pinaglabanan ay didi­retso sa National Finals sa Disyembre kaya't nakaabante na rin si Delubio na tinalo si Alivio sa labanan para sa 3rd place.

Ang kababayan niyang si Mangubat ay nagdomina sa Wild Card o para sa motor na hindi lalampas sa 200cc.

Pinawi naman ni Ada­pon ang kamalasang inabot sa 150cc nang magkampeon sa 110cc matapos talunin sa sudden death si Fredderick Maranon.

vuukle comment

ALDRIN ALIVIO

BACOLOD CITY

CAGAYAN DE ORO

DELUBIO

FREDDERICK MARANON

GODFREY DIONELA

JAMES VARTE

KANLAON CITY

SHY

TRIAMBULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with