Pacquiao nagbigay ng P1M sa Philippine Cup
MANILA, Philippines - Inaasahang sisiglang muli ang darting sa Pilipinas sa pagpasok ni eight- division world boxing champion Rep. Manny Pacquiao bilang chairman ng Darts Council of the Philipines (DCP).
Indikasyon nito ang pagsasagawa ng three-day P1M Philippine Cup and Philipine Open Singles championships na magsisimula ngayon sa Clamshell sa Intramuros, Manila. Si Pacquiao, na tinaguriang “Pambansang Kamao,” ang siyang nagbigay ng P1 million papremyo. Siya rin ang panauhing pandangal at magpupukol ng ceremonial darts sa opening rites ng torneo ngayong alas-6 ng gabi.
Ang three-day tournament, na isinasagawa sa pakikipagtulungan ng US-based Manny Pacquiao Darts Association (MPDA), ay magsisimula sa pamamagitan ng P100,000 Classified Draw Doubles. Mag-uumpisa ang mga laro matapos ang opening ceremonies. Ang registration ay magsisimula dalawang oras bago ang bawat event.
Bukas ay gaganapin ang mga laro sa Open Doubles Draw simula alas-11 ng tanghali. Ito’y susundan ng Philippine Cup 2011 Ladies Singles sa ganap na alas-3 ng hapon at ang Men’s singles sa ganap na alas-4.
- Latest
- Trending