^

PSN Palaro

Quezon City cagers pasok sa finals ng Coca-Cola Hoopla

-

MANILA, Philippines -  Magaang na dinispatsa ng Quezon City ang Caloocan, 92-83 upang makuha ang unang finals berth sa 2nd Coca-Cola Hoopla National Capital Region Championship nitong Martes.

Gayunpaman, kailangan nilang maghintay pa ng makakalaban para sa best-of-three title showdown sa pagitan ng Taguig at Antipolo.

Tinalo naman ng Taguig ang Antipolo, 84-80 upang itakda ang kanilang ‘do-or-die match’.

Muling maghaharap ang Taguig at ang Antipolo para sa deciding game na magdedetermina kung sino sa kanila ang aangkin sa ikalawang finals ticket upang makasagupa ang Quezon City.

Ang mananalo sa pagitan ng dalawang koponan ang siya namang makakasagupa ng Quezon City para sa championship series.

Nakatakda ang Game One sa Biyernes at ang Game Two ay sa Sabado at kung kinakailangan ng Game Three ito naman ay lalaruin sa Linggo.

Ang panalo ay ikaapat ng QC sa Inter-Zonal at 10th overall sa grassroots-designed league para sa mga non-varsity players.

Bumandera si John Boquiren para sa Quezon City sa kanyang tinapos na 19 puntos at nagdagdag si Christopher Villarosa ng 17 puntos.

Nag-ambag ng tig-11 at 10 markers sina Alvin de Leon at Ronnie Diaz, ayon sa pagkakasunod, para sa koponan ni assistant coach Ernie Baena.

“Maganda ang nilaro nang mga bata. Hindi nagpabaya at balanced yung laro. Talagang gustong manalo,” pahayag ni Baena.

QUEZON CITY 92 – Boquiren 19, Villarosa 17, De Leon 11, Diaz 11, Lazaro 10, Pangan 9, Gadian 8, Estrella 6, Requiez 2, Abragan 0.

CALOOCAN 83 – Tsutsui 14, Mapenas 14, Francisco 12, Masayo 11, A. Garcia 11, Fernandez 8, Seneido 6, Montanas 6, Molina 2.

Quarterscores: 20-19, 46-37, 68-57, 92-83.

TAGUIG 84 – Mayor 27, Pumaris 21, Santos 12, Parado 8, Portuguez 6, Barro 6, Baclas 2, Ilano 2.

ANTIPOLO 80 – Mocon J. 20, Dizon 18, Repato 12, Baliton 12, K. Mocon 7, De Mesa 4, Bacay 3, Agpalo 2, Abila 2.

Quarterscores: 21-17, 40-35, 67-57, 84-80.

vuukle comment

CHRISTOPHER VILLAROSA

COCA-COLA HOOPLA NATIONAL CAPITAL REGION CHAMPIONSHIP

DE LEON

DE MESA

ERNIE BAENA

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

QUEZON CITY

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with