Gilas sasabak sa 2 malalaking torneo
MANILA, Philippines - Ang nakaraang 22nd FIBA-Asia Champions Cup ay bahagi lamang ng preparasyon ng Smart-Gilas Pilipinas para sa dalawang mas mabigat na international tournaments ngayong taon.
Ang dalawang torneong lalahukan ng Nationals ay ang Southeast Asia Basketball Association (SEABA) men’s championship sa Hunyo 23-26 sa Jakarta, Indonesia at ang FIBA-Asia men’s championships sa Setyembre 15-25 sa Wuhan, China na siyang qualifying event para sa 2012 Olympic Games sa London.
Ang top three teams sa SEABA ang kakatawan sa rehiyon sa FIBA-Asia men’s Championships, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios.
Sasabak rin ang Smart-Gilas ni Serbian coach Rajko Toroman sa ilang laro sa Portugal, Turkey at Taipei na siyang pagdarausan ng taunang Jones Cup.
“And then before the FIBA-Asia championship, they’re also looking at two to three pocket tournaments in China,” wika ni Barrios sa Nationals, pumang apat sa nakaraang FIBA-Asia Champions Cup nagtapos nitong Linggo.
Natalo ang Smart-Gilas sa two-time champions Mahram ng Iran, 77-80, sa kanilang semifinals match kasunod ang 64-71 pagyukod sa Al Rayyan ng Qatar sa labanan para sa third place.
“Let’s not forget that the Champions Cup is a club championship. There were some people who said na mas mahirap pa nga ito kasi teams can have the services of two imports,” wika ni Barrios sa naging kampanya ng Nationals.
Si 6-foot-11 naturalized Marcus Douthit ang ipinarada ng Smart-Gilas katuwang sina Asi Taulava ng Meralco Bolts at Dondon Hontiveros ng Air21. (RC)
- Latest
- Trending