Puwestuhan sa kampeonato pakay ng 4 team sa 2nd Coca-Cola Hoopla
MANILA, Philippines - Puwesto sa championship series ang nakataya sa Quezon City at Antipolo sa pagpapatuloy ng painit na painit na 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship sa C.P. Tinga Gym sa Taguig.
Kalaban ng QC na suportado ni Vice Mayor Joy Belmonte, ang Caloocan sa tampok na laro na magsisimula sa alas-5 ng hapon bago magbakbakan ang Antipolo at Taguig sa ganap na alas-7 ng gabi.
Tinapos ng QC ang inter-zonal taglay ang 4-0 karta habang ang Antipolo at Taguig ay nagsalo sa 2-2 baraha. Pero nanalo ang una sa huli sa kani-lang naunang pagtutuos, 86-74, para makuha ang ikalawang puwesto.
Ang Caloocan at Mandaluyong ay mayroong 1-3 karta pero nalagay sa ikaapat na koponan ang una bunga ng 80-79 tagumpay.
Dahil tumapos sa unang dalawang puwesto sa limang koponan na sumailalim sa single round robin, ang QC at Antipolo ang magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa kanilang kalaro.
Kung manalo pa ang Caloocan at Taguig ang sudden death ay gagawin sa Miyerkules habang ang Game One ng best-of-three Finals series ay isasagawa matapos ang knockout games.
May momentum ang Quezon City dahil sa naitalang 94-74 panalo sa Antipolo nitong Linggo sa Masambong.
QUEZON City 105 – De Leon 19, Villarosa 16, A bragan 14, Porciuncula 9, Estrella 9, Requiz 8, Boquiren 7, Gadian 4, Lazaro 4, Villar 0, Diaz 0.
ANTIPOLO 89 – Diaz 27, Repato 25, J. Mocon 8, Bacay 7, Say 6, De Mesa 5, K. Mocon 5, Suganuma 3, Sombrito 1, Baliton 0
Quarterscores: 20-20, 45-42, 73-59, 105-89.
- Latest
- Trending