Manila, Philippines - Matapos ang nakadidismayang kampanya noong nakaraang taon, kumpiyansa naman ang Perpetual Help-Dalta System para sa darating na 2011 NCAA men’s basketball tournament sa paglalaro ng mga players na hindi nila nagamit dahilan sa eligibility issues.
Makikita na ni Perpetual Help coach Boris Aldeguer at ng Altas ang tunay na galing nina Paul Nuilan at Marlon Gomez na nakapasa sa eligibility standards makaraang hindi makalaro noong 2010.
Sina Nulian at Gomez, ang one-two frontcourt duo na gumawa ng ingay sa nakaraang pre-season campaign ng Las Piñas-based school, ang makikipagsabayan kina San Beda American import Sudan Daniel at San Sebastian power forward Calvin Abueva.
“We’re excited to have them in the team, they’re vital pieces for us because we don’t want to disappoint our school since we’re hosting the league this year,” ani Aldeguer.
Muling ipaparada ng Altas si Arnold Danganan, ang kanilang best scorer noong nakaraang season, katuwang sina Jett Vidal at George Allen.
“Although we didn’t do well last year, we still fought to the last and the good thing about our campaign is that I saw my players playing with their hearts despite the tremendous odds,” wika ni Aldeguer.
Unang target ng Perpetual Help sa 2011 NCAA season ay ang makapasok sa Final Four.
“Our goal is to give it our best and fight it out with the best of them. Who wouldn’t want to play in the Final Four?” dagdag pa ni Aldueger.