2 Dikit na panalo sa QC sa 2nd Coca-Cola Hoopla
Manila, Philippines - Nagpasikat ang mga home teams nang manalo ang Quezon City at Antipolo sa pagpapatuloy ng 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship Inter-Zonal phase nitong Huwebes sa magkahiwalay na laruan.
Sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte na pinanood ang laban, kinuha ng Quezon City ang 109-71 tagumpay laban sa Taguig upang lumapit sa isang laro para makuha ang twice-to- beat advantage sa crossover semifinals.
Sina John Villarosa Alvin de Leon, Nico Estrella at Christopher Lazaro ay nagsanib sa 59 puntos para sa QC na lumamang ng 35 puntos, 82-47, tungo sa pagbulsa ng ikalawang sunod na panalo sa yugto at 8-0 sa kabuuan ng torneo.
“Ang paalala ko lamang sa kanila ay nanonood si Vice Mayor Belmonte at pagbutihan ang paglalaro para hindi tayo mapahiya,” wika ni coah Rene Baena.
“Kami sa Quezon City ay kaisa sa magandang proyekto na ito at natutuwa kami at kasama kami sa friendly competition gaya nito,” wika naman ni Vice Mayor Belmonte na ang ama ay si dating QC Mayor Sonny Belmonte na ngayon ay Speaker ng House of Representative.
Pupuntiryahin ng Quezon City ang mahalagang twice-to-beat advantage sa pagharap sa Mandaluyong City sa Mandaluyong Gym ngayong alas-6 ng gabi.
QUEZON CITY 109-- Villarosa 20, De Leon 19, Estrella 16, Lazaro 14, Abragan 8, Gadian 7, Bitoon 6, Pangan 6, Porciuncula 5, Villar 4, Buenaflor 2, Awayang 9.
TAGUIG 71--Mayor 34, Loresca 10, Pumaris 6, Cancillar 5, Parado 4, Portuguez 4, Santos 4, Barro 2, Mozo 2.
Quarterscores: 23-11, 43-34, 80-47, 109-71.
- Latest
- Trending