Caloocan naisahan ang Mandaluyong

MANILA, Philippines - Naghatid ng isang free throw si Edward Obedosa sa huling 14 segundo bago sinaksihan ng Caloocan na sumablay si Rafael Rebugio upang maitakas ang 80-79 panalo laban sa Manda­luyong sa Inter-Zonal pha­se ng 2nd Coca-Cola Hoopla nitong Martes sa Ynares co­vered courts sa Barangay San Jose, Antipolo City.

Si assistant coach Brian Angeles ang siyang nag-coach sa koponan kahalili ni head coach Ben Ledesma at nahawakan pa ng Caloocan ang 63-49 kalamangan.

Ngunit bumangon ang Mandaluyong at itinabla pa ang iskor sa 79-all may 29 segundo sa orasan.

May sapat na oras pa ang Mandaluyong na ma­­kuha ang panalo pero naisablay ni Rebugio, na mayroong 23 puntos sa laro, ang mahalagang buslo.

Nagbunga naman ang pagtayo bilang punong-aba­la ng Antipolo nang talunin nila ang Taguig, 86-74.

May 20 puntos at 8 rebounds si Michael Dizon upang pangunahan ang apat na manlalarong umis­kor ng doble-pigura sa Antipolo.

Ang Antipolo, Manda­luyong at Caloocan ay magkakasama sa ikalawang puwesto sa 1-1 karta habang bandera ang Quezon City ni Vice Mayor Joy Belmonte sa 1-0 karta at nangungulelat naman ang Taguig sa 0-1 baraha.

Dinumog ang dou­ble-header game na ikinatuwa ni Coca Cola Export VP for communication and public affairs JB Baylon.

Show comments