MIAMI - Nagsimula ang gabi ni Dwyane Wade mula sa isang yakap ng kanyang ina. At natapos ito sa pagyakap naman sa kanya ni LeBron James.
Malapit sa kanila, itinaas ni Chris Bosh ang kanyang tatlong daliri.
Umiskor si James ng 24 points para sa kanyang unang panalo sa limang NBA finals games, habang humugot si Wade ng 15 sa kanyang 22 points sa second half at kinuha ng Heat ang 92-84 panalo kontra Dallas Mavericks sa Game 1 ng kanilang title series.
Nilimita ng Eastern Conference champions ang Western Conference titlist sa kanilang pinakamababang point total sa playoffs matapos ang kanilang pagdomina sa depensa.
“Feels good because it’s the first game and we played well as a team,” ani James. “We’ve got a lot of work to do. … That’s one in the books. We’re excited about this game. Tomorrow we prepare for Game 2, and I see ways we can get better.”
Tumipa si Dirk Nowitzki ng 27 points at 8 rebounds para sa Dallas na nakakuha rin ng 16 points at 10 rebounds kay Shawn Marion at 12 points kay Jason Terry.
Ito ang pang limang sunod na kabiguan ng Dallas sa Miami sa finals games sapul nang bumangon ang Heat mula sa isang 0-2 pagkakaiwan ng Mavericks para angkinin ang 2006 crown.
Nalimita naman ng Dallas ang Miami sa 39 percent shooting, ang second-worst fieldgoals ng Heat sa playoffs. Ngunit may 37 percent shooting naman ang Mavericks.
“You hold a team to 38 percent shooting and 92 points, for us, that’s usually a victory,” sabi ni Marion.
Nakatakda ang Game 2 sa Miami sa Huwebes.
“We’re a veteran team,” ani Nowitzki, nagkaroon ng isang postgame X-ray dahil sa kanyang gitnang daliri nang tapikin ang bola kay Bosh.
Ang 3-pointer ni Wade sa huling 3:06 ang nag-angat sa Heat sa 82-73 kasunod ang dalawang freethrows ni Nowitzki para sa Mavericks.
Isang 3-point play naman ni James ang muling naglayo sa Miami sa 85-75 upang tiyakin ang panalo ng Heat.