^

PSN Palaro

Huling tiket sa quarters sa Group A kinuha ng Saudi

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagsanib sa kabuuang 68 puntos ang mga imports ng Al Itiihad-Saudi Arabia para makuha ang huling puwesto sa quarterfinals sa Group A sa 2011 FIBA Asia Champions Cup sa pamamagitan ng 98-76 pa­nalo sa KL Dragons-Ma­laysia sa pagtatapos ka­hapon ng group elimination sa Philsports Arena, Pasig City.

May 36 puntos si Darren Kelly kasama ang 7 of 11 shooting sa tres, habang 32 puntos bukod pa sa 16 rebounds ang ginawa ni Vladislav Dragajlovic upang makuha ng Saudis ang ikalawang panalo sa apat na laro.

 Isang 13-0 bomba ang ibinulaga ng Al Ittihad sa pagbubukas ng ikalawang yugto upang maibaon na ang kalaban na naagwatan lamang ng isang puntos, 25-24, matapos ang unang sampung minuto ng laba­nan.

Nanalo man ng malaki ay hindi naman natuwa si Saudi coach Ninad Krazdic lalo na sa kanilang depen­sa.

“We won by a big margin. But I’m not happy with the way we defended in the first quarter. If we play like this, we’re in for a tougher outings,” wika ni Krazdic.

 Matapos makaiskor ng 24 ay bumaba naman nang bumaba ang puntos ng Malaysia nang magtala lamang ng 18, 17 at 17 sa sumunod na tatlong quarters para malaglag na sa kompetisyon sa 0-4 karta sa Group A.

Ang iba pang koponan sa group A na nakaabante na ay ang Smart Gilas Pilipinas (3-0), ASU-Jordan (3-0), at Duhok Iraq (1-3).

Ang Gilas na nanalo sa Duhok-Iraq, 74-64, nitong Martes ng gabi ay nakikipagtagisan pa sa Jordan para sa pangunguna sa Group A habang sinusulat ang balitang ito.

Tinapos naman ng nag­dedepensang Mahram ng Iran ang kampanya sa Group B taglay ang 3-1 baraha sa bisa ng 81-64 pa­nalo sa Al Rayyan ng Qa­tar sa isa pang laro.

SAUDI ARABIA 98--Kelly 36, Dragajlovic 32, Aljuhani 12, Almaghrabi 7, Kabe 5, Ibrahim 4, Alharbi 2, Alshamrani 0, Almadani 0.

MALAYSIA 76 – Loh 19, Morrison 17, Ayer 15, Ho 9, Batumalai 6, Kwaan 6, Ooi 4, Kuppusamy 0, Chin 0, Ng 0.

Quarterscores: 25-24, 63-42, 76-59, 98-76.

vuukle comment

AL ITIIHAD-SAUDI ARABIA

AL ITTIHAD

AL RAYYAN

ANG GILAS

ASIA CHAMPIONS CUP

BUT I

DARREN KELLY

DRAGAJLOVIC

GROUP A

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with