Sharapova umusad sa quarterfinals

PARIS--Umabante sa quarterfinals ng French Open si Maria Sharapova matapos talunin si Po­lish 12th seed Agnieszka Radwanska, 7-6 (7/4), 7-5.

Makakasama ni Sha­ra­­pova sa quarters sina Belarusian fourth seed Victoria Azarenka, ang na­titirang top-ranked pla­yer sa draw, na tumalo kay Russian Ekaterina Makarova, 6-2, 6-3, para makatagpo si Chinese sixth seed Li Na.

Ang Russian seventh seed na si Sharapova, isang three-time Grand Slam champion, ay bu­ma­ngon mula sa 1-4 pag­kakaiwan sa first set at nakalagpas sa limang set points sa second set patungo sa kanyang panalo kay Radwanska.

Makakaharap ni Sha­ra­pova sa quarters si Andrea Petkovic ng Germany na bumigo kay 25th-seeded Maria Kiri­lenko 6-2, 2-6, 6-4.

Ang 24-anyos na si Sharapova, nanaig sa 17-anyos na si French netter Caroline Garcia sa round two, ay pumalo ng 47 winners ay mayroong 44 unforced errors.

Show comments