Sharapova umusad sa quarterfinals
PARIS--Umabante sa quarterfinals ng French Open si Maria Sharapova matapos talunin si Polish 12th seed Agnieszka Radwanska, 7-6 (7/4), 7-5.
Makakasama ni Sharapova sa quarters sina Belarusian fourth seed Victoria Azarenka, ang natitirang top-ranked player sa draw, na tumalo kay Russian Ekaterina Makarova, 6-2, 6-3, para makatagpo si Chinese sixth seed Li Na.
Ang Russian seventh seed na si Sharapova, isang three-time Grand Slam champion, ay bumangon mula sa 1-4 pagkakaiwan sa first set at nakalagpas sa limang set points sa second set patungo sa kanyang panalo kay Radwanska.
Makakaharap ni Sharapova sa quarters si Andrea Petkovic ng Germany na bumigo kay 25th-seeded Maria Kirilenko 6-2, 2-6, 6-4.
Ang 24-anyos na si Sharapova, nanaig sa 17-anyos na si French netter Caroline Garcia sa round two, ay pumalo ng 47 winners ay mayroong 44 unforced errors.
- Latest
- Trending