^

PSN Palaro

'Advertising lockout' dapat nang alisin - Vargas

-

MANILA, Philippines - Kung siya ang tatanungin, dapat buksan na ng mga PBA board members ang usapin patungkol sa ‘advert­i-­ sing lockout’ na ipinaiiral sa liga patungkol sa television coverage.

Ayon kay dating PBA chairman at representative ng Talk N’Text Ricky Vargas, napapanahon na para mapag-usapan ang pag-aalis sa lockout na ito upang kumita rin ang tv network na siyang magsasaere sa mga laro sa PBA.

“Whether it’s ABS-CBN, TV5 or whatever network, it should really be a partnership. Hindi kagaya ng nabayaran n’yo na kami, bahala na kayo diyan,” wika ni Vargas na kasapi sa kumpanyang pag-aari ni Manny V. Pangilinan na siyang tao sa likod din ng ABC TV5.

Hindi maaaring makapag-anunsyo ang mga kumpan­yang kalaban ng PBA teams na nagpapahirap sa asam na kita ng network.

Ilan sa posibleng malalaking kumpanya na puwedeng pumasok para maglatag ng kanilang advertisements ay ang Asia Brewery, Tanduay, Swift at Globe Telecoms na kung papayagan ay tiyak ding magreresulta sa ikagaganda ng coverage sa PBA dahil may karagdagang pondong magagamit ang network para ilustay sa kanilang mga planong productions.

 Dahil sa lockout kaya’t nalugi ang mga naunang networks na humawak sa PBA tulad ng Vintage Enterprises, Channel 4 at kahit ang Solar TV.

Ang pahayag ni Vargas ay hindi naman nangangahulugan na hindi tatakbo ang coveror gamit lamang ang mga produktong inilalako ng mga kasaping koponan. 

ASIA BREWERY

AYON

DAHIL

GLOBE TELECOMS

MANNY V

TALK N

TEXT RICKY VARGAS

VARGAS

VINTAGE ENTERPRISES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with