PBaRS 2nd leg hahataw ngayon sa Bacolod

MANILA, Philippines - Pamumunuan ng mga Sudirman Cup campaig­ners ang paghataw ng se­cond leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament ngayong araw sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.

Sina Malvinne Ann Alcala, Bianca Carlos, Gelita Castilo, Antonino Gadi, Jo­per Escueta at Peter Mag­naye, iginiya ang Team Phi­lippines sa runner-up finish sa Level 4 ng naka­raang Sudirman Cup sa China, ang aagaw ng pansin sa nasabing week-long tournament.

Ang 16-anyos na si A­lcala, 16, maglalaro sa unang pagkakataon sa naturang P1 million event matapos kumampanya sa ibang bansa noong Marso, ang babandera sa girls’ division sa proyektong ito nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Winalis naman ni Carlos ang Open at Under-19 titles bukod pa ang girls doubles plum sa kickoff leg ng four-stage nationwide circuit.

Makakatapat ni Carlos ng Golden Shuttle Founda­tion si Alcala para sa pag-aagawan sa korona at sa ranking points.

Ang nasabing event, may basbas ng Philippine Olympic Committee, Philip­pine Sports Commission at ng Philippine Badminton Association, ay may nakalatag na premyo.

 Sa Open class naka­hanay ang P70,000 at ang mananalo sa U-19 at U-15 divisions at tatanggap ng P20,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.

Para sa detalye, maa­aring mag-log on sa www.pbars.com o sa email info@pbars.com.

Ang mga paglalaba­nang events ay ang singles, men’s at ladies doubles at mixed doubles events sa Open, U-19 at U-15 divisions.

Show comments