^

PSN Palaro

M'luyong, QC nakauna sa 2nd Coca-Cola Hoopla Inter-Zonal

-

MANILA, Philippines - Agad na nagpasikat ang Mandaluyong at Quezon City matapos na ilista ang unang panalo sa pagsisimula ng 2nd Coca-Cola Hoopla sa Mandaluyong Gym nitong Linggo.

Ginawang inspirasyon ng host team ang presensya ni Mayor Benhur Abalos upang pigilan ang Antipolo, 96-86, habang hiniya naman ng Quezon City ang Caloocan, 96-75.

Sumandig ang Mandaluyong sa mga maiinit na kamay ng shooter na si Rafael Refugio upang iselyo ang panalo ng tropa ni Mayor Abalos.

Sa pagpupunyagi ni Refugio, tumapos ng 31 puntos, agad na sinakmal ng Mandaluyong ang 63-43 pangunguna na hindi na nilingon pa ng Antipolo.

“Hindi bumigay yung mga bata. Talagang gustong manalo. I’m happy for them.” wika naman ni Mandaluyong coach Romeo Bolido.

Si Abalos na siyang guest of honor ang nagsagawa ng ceremonial toss na inasistihan nina Coca-Cola Export vice president for communications and public affairs JB Baylon.

Binanderahan ni Bernardo Repato ang Antipolo sa kanyang tinapos na 21 puntos, ngunit hindi ito na­ging sapat para maipanalo ang kanyang koponan.

Sa kabilang dako, magaang naman nakuha ng Quezon City, na minamanduhan ni University of the East assistant coach Rene Baena, na suportado naman ni Vice Mayor Joy Belmonte ang kanilang panalo laban sa Caloocan mula sa matikas na preformance nina Christopher Villarosa, Kevin Boquiren at Alvin de Leon.

BERNARDO REPATO

CALOOCAN

CHRISTOPHER VILLAROSA

COCA-COLA EXPORT

COCA-COLA HOOPLA

KEVIN BOQUIREN

MANDALUYONG

MANDALUYONG GYM

MAYOR ABALOS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with