Korona sisiguraduhin na ni Nowitzki na maibigay sa Mavs
DALLAS--Hindi na bago para kay Dirk Nowitzki ng Dallas Mavericks ang paglalaro para sa NBA Finals.
Matapos angkinin ang Western Conference crown, sasagupain naman ni Nowitzki at ang Mavericks ang Miami Heat para sa 2011 NBA Finals na magsisimula bukas sa Miami.
Noong 2006, natalo ang Mavericks sa Heat kung saan nagbida si Nowitzki para sa Dallas.
Siya ang tinanghal na MVP noong 2007. Isinuot niya ang uniporme ng Germany sa opening ceremonies ng 2008 Olympic Games sa Beijing, China.
Sa lahat ng ito, ang pag-angkin sa kampeonato ang asam ngayon ni Nowitzki.
“There is no second-place finish in this league,” sabi ng Mavericks superstar. Si Nowitzki ang tumulong sa Dallas na talunin ang Portland, walisin ang Lakers at igupo ang Thunder.
“This ride he’s been on has been incredible,” wika ng kanyang teammate na si Jason Kidd.
Nagtala si Nowitzki ng average na 28.4 points per game sa playoffs, 0.2 ang agwat kay Kevin Durant para sa best overall. Dalawang beses siyang umiskor ng 40 points, kasama rito ang kanyang 48 sa series opener ng conference finals.
Si Nowitzki ay may 9.7 pouints average per fourth quarter, ang pinakamatindi na sa postseason sapul noong 2006 at ikalawa sa second round simula noong 2003.
- Latest
- Trending