MANILA, Philippines - Lumapit sa isang hakbang si Jeson Patrombon sa hangaring makapaglaro sa main draw ng men’s singles sa Futures 2 sa Surabaya, Indonesia.
Agresibong paglalaro ang ipinakita ng 18-anyos tubong Iligan City laban kay Liang Wen Yao ng Chinese Taipei para sa 6-3, 6-3, panalo sa pagsisimula ng qualifying round.
Hindi pinayagan ni Patrombon ang Taiwanese player ang siyang magdikta sa kanilang laro para madomina niya ang sagupaan na ginawa sa granite court.
Seeded number three si Patrombon sa qualifying round dahil sa kanyang 1,527 ATP points na nakuha sa tatlong Men’s Circuit sa India, pupuntiryahin ng pambato ng Pilipinas ang puwesto sa main draw sa pagbangga sa wild card Indonesian bet na si Irfandi Hendrawan na tinalo ang kababayang si Bangun Hartato, 6-0, 6-4.
Kung maduduplika ni Patrombon ang larong ipinakita sa unang sabak ay walang nakikitang problema si Tecson sa hangaring makaabante sa main draw ang kanyang manlalaro.