^

PSN Palaro

Azkals lilipad sa Germany para paghandaan ang Sri Lanka

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa kanilang 'home-and-away match' Sri Lanka Red Braves, magtutungo ang Philippine Azkals sa Germany sa kalagitnaan ng Hunyo.

Ito ang sinabi sa PSN Sports ni Philippine Football Federation (PFF) secretary-general Ramon Manuel kaugnay sa gagawing preparasyon ng Azkals sa kani­lang two-leg series ng Red Braves para sa 2014 FIFA World Cup qualifiers.

"Nasa regular training sila ngayon. And then by the middle of June pupunta sila sa Germany para mag-training," wika ni Manuel.

Ang Red Braves ang mamamahala sa 'away match' nila ng Azkals sa Hunyo 29 sa Colombo, Sri Lanka, habang sa maalamat nang Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz magaganap ang 'home game' sa Hulyo 3.

Ang mananalo sa pagitan ng Azkals at Red Braves ang sasagupa sa Kuwait sa second round ng qualifying stage para sa 2014 World Cup qualifiers.

“Nandito sila until the middle of June. Nagte-training sila sa Rizal Memorial Stadium at sa Ayala, Alabang," wika ni Manuel sa aktibidad ng Azkals, No. 151 sa FIFA rankings kumpara sa Sri Lanka (173) at Kuwait (103).

Ang pinakamahal na tiket sa Rizal Memorial Stadium ay nagkakahalaga ng P3,000.00, samantalang ang economy ay P200.00. mid-section seats ay may presyong P300.00.

ANG RED BRAVES

AZKALS

HUNYO

MANUEL

PHILIPPINE AZKALS

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

RED BRAVES

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SRI LANKA

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with