^

PSN Palaro

Pacific Online Cup sinakmal ng Lady Tams

-

MANILA, Philippines - Magaang na dinispatsa ng Far Eastern University ang College of Saint Benilde, 60-28 upang ibulsa ang first Pacific Online Cup ladies basketball tournament nitong Biyernes sa Xavier School Gym sa San Juan.

Bumandera si Raiza Palmera para sa Lady Tamaraws sa kanyang pinitas na 15 points, tatlong rebounds, isang assists at isang steal na nagbigay sa kanya ng Most Valuable Player award,

“Nagpapasalamat po ako sa Pacific Online Cup, dahil ang Mighty League na ito ay magandang ibinigay ng mga organizer para sa womens basketball dahil nakakapag enhance ng mga skills. Natututo pa ang mga players, nalalaman pa nila kung saan ang weaknesses namin. Ang award na ito ay hindi lamang sa akin, kundi para sa mga kasama ko,” ani Palmera, isang business management graduate.

Bukod kay Palmera, dating national youth standout, naglabas din ng magandang laro sina Angelina Gabriel, Camille Sambile, Vangie Soriano at Mariloved Socorro Borja para sa Morayta-based dribblers sa torneong ito na suportado rin ng Pacific Online Lotto, Gerry’s Grill at Mighty Sports Association.

ANGELINA GABRIEL

CAMILLE SAMBILE

COLLEGE OF SAINT BENILDE

FAR EASTERN UNIVERSITY

LADY TAMARAWS

MARILOVED SOCORRO BORJA

MIGHTY LEAGUE

MIGHTY SPORTS ASSOCIATION

MOST VALUABLE PLAYER

PACIFIC ONLINE CUP

PACIFIC ONLINE LOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with