Cansino kampeon sa 18-U boys sa HEAD netfest

Manila, Philippines - Hinataw ni Juan Paolo Cansino ng Davao ang ikatlong leg title niya nang magbida sa 11th leg ng Smart presents HEAD Junior Tennis Satellite Circuit 2011 age-group national tour Olongapo leg.

Ito’y matapos dispatsahin si Rogelio Estanio, 7-5, 5-7, 10-2, sa Olongapo Tennis Club.

Ipinakita ni Cansino, winner din ng boys’ 18-under class titles sa Iloilo at Zamboanga legs, ang impresibong backhand attacks kay Estanio para angkinin ang 18-under crown ng event na suportado ng Chris Sports, Meralco, Maynilad, Head, ang official ball, at ng Toalson.

Bumawi naman si Estanio, winner ng mga nag­daang legs, sa boys’ 16-under class nang panisin si Daniel Villasenor, 7-5, 5-7, 10-4, sa circuit na sanctioned ng Philippine Tennis Association (PHILTA), na nagbibigay naman ng ranking points sa bawat winners.

Umiskor si Crizzabelle Paulino ng double whammy nang mangibabaw sa girls’ 18 and 16-under divisions nang talunin ang kapatid na si Cristabelle Paulino, 7-5, 6-0, at 6-2, 6-4, sa parehong dibisyon.

Show comments