Muntinlupa humihinga pa

Manila, Philippines - Nanatiling palaban ang nagdedepensang kam­peon na Muntinlupa nang ta­lunin ang Taguig, 79-77, sa Inter-Cities ng 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship sa Duenas Gym sa Taguig nitong Biyernes.

Hinalinhinan ng Mun­tinlupa ang Pasay na na­pa­talsik sa laro dala ng teknikalidad, at hindi naman nasayang ang pagka­kataong ito nang manalo sa katunggali para maikasa pa ang do-or-die game na nilaro kagabi.

Ang mananalo sa rub­bermatch ang siyang ka­katawan sa South Zone sa Inter-Zonal na magbu­bukas naman ngayon sa Mandaluyong City gym.

May 16 puntos si Kevin Buenaflor habang 12 ang ibi­nigay nina Christian Pa­quinto at Karl Salvador para sa nagdedepensang kampeon na nakitaan ng tibay kahit nawala ang 59-49 kalamangan at nakadikit pa nga ang host team sa 70-67.

Samantala, magtutuos ang Mandaluyong at Antipolo sa alas-5 ng hapon at ang Caloocan at Quezon City dakong alas-7 ng gabi sa Mandaluyong City Gym at mag-uunahan ang mga nabanggit na koponan na makauna sa Inter-Zonal na isang double round robin.

Show comments