^

PSN Palaro

Magandang pagtatapos sa Champion's Cup, utos ni MVP sa Gilas

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Ipinarating ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Manny V. Pangilinan ang kanyang kautusan sa Smart Gilas Pilipinas na magkaroon ng magandang kampanya sa 22nd FIBA Asia Cham­pions Cup na binuksan nitong Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig City .

Ang mensahe ay ipina­rating sa ginawang pagsa­lubong sa 10 koponang magtatagisan nitong Biyernes sa Meralco Center sa Pasig City.

Pinasaya ang gabi sa pagpapakita ng husay sa pagsayaw at pagkanta ng kinikilala sa mundo na Bayanihan dance troupe na inimbitahan upang magtanghal sa pagtitipon.

Matapos nito ay pina­sa­lamatan ni MVP ang pagdalo ng siyam na da­yuhang koponan para ma­kipaglaro sa Gilas sa kompetisyong inorganisa ng FIBA-Asia.

“This is good for Filipino basketball players and fans to be exposed in tournaments like this,” ani Pangilinan.

Ang kompetisyon ay katatampukan ng mga koponang may dalawang imports at kasali rin ang mga malalakas na Middle East teams tulad ng two-time champions Iran, Lebanon at Qatar. ng FIBA Asia Men’s Championship na gagawin sa Setyembre ay isang London Olympics qualifying event at ang tatanghaling kampeon sa torneo ang siyang kakatawan sa Asia sa 2012 Olympics.

Kasama na tumu­ngo sa bansa ang FIBA-Asia president na si Sheikh Saud bin Ali Al-Thani na inihayag ang paniniwalang magiging matagumpay ang hosting ng Pilipinas.

ALI AL-THANI

ASIA CHAM

ASIA MEN

BIYERNES

LONDON OLYMPICS

MANNY V

MERALCO CENTER

MIDDLE EAST

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with