^

PSN Palaro

Clarise tinalo ang utol para sa gold

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY, Philippines --Ma­ta­pos si Alvin Patrimonio sa basketball, ang kanyang mga anak na sina Christine at Clarise naman ang gumagawa ng pangalan sa lawn tennis.

Nagharap sa gold me­dal round sina Christine at Clarise kung saan nanaig ang huli sa bisa ng kanyang 6-4, 6-2, sa women’s singles ng 2011 Philippine National Games.      

“Mas may power ako ke­sa sa kanya. I’m more of a ground player, while she is good in serve and volley,” pagkukumpara ng 17-anyos na si Clarise, ang bagong top woman player sa bansa, sa kanyang sarili sa 19-anyos na si Christine.

Bago makatagpo ang kanyang ate sa finals, tinalo muna ni Clarise si Marian Capadocia sa semifinal round, 6-3, 6-2, samantalang binigo naman ni Christine si Tamitha Nguyen, 6-3, 6-3.

Sina Christine, dating No. 1 women netter ng bansa, at Clarise ay inaasahang susuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia na nakatakda sa Nobyembre 11 sa Jakarta at Palembang.

Halos dalawang taon ring nagsanay ang magkapatid na Patrimonio sa isang kilalang tennis center sa United States.

“Malaki po ‘yung naitulong sa amin nu’ng training namin sa US,” wika ng 5-foot-8 na si Christine. Kasalukuyang nakaupo sa No. 130 ang 5’7 na si Clarise, may dalawang international crown, sa world junior rankings, habang No. 134 naman si Christine.

Nakipagtambalan naman si Clarise kay Christine sa doubles event para talunin sina Capadocia at Nguyen, 6-7 (5), 6-4, 6-3.

Sa men’s division, inang­kin ni Dheo Talata­yod at Leander Lazaro ang gintong medalya sa men’s doubles sa kanilang 1-6, 6-4, 6-4 pa­nalo kina Gilbert Anasta at Jesse Divinagracia, Jr.

ALVIN PATRIMONIO

CHRISTINE

CLARISE

DHEO TALATA

GILBERT ANASTA

JESSE DIVINAGRACIA

LEANDER LAZARO

MARIAN CAPADOCIA

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with