^

PSN Palaro

Alcala sasabak sa PBaRS para sa asam na korona

- Ni Vernie Fuentes -

Manila, Philippines - Lalahok si Malvinne Ann Alcala sa MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa hangaring makuha ang titulo sa second leg na na­­katakda sa Mayo 31 sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.

Hindi nakasali si Alcala ang inaugural staging ng bagong ranking tournament sa bansa noong na­ka­raang buwan.

Nagmula ang 16-anyos na si Alcala sa panalo sa 2011 Lining Australia Juniors sa Australia at inaasahang katatakutan sa Open at Under-19 divisions na torneong proyekto nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Tatlong panalo ang si­nilo ni Bianca Carlos sa PBaRS inaugurals, kasama rito ang Open at U-19 singles crowns.

Nasa torneo rin sina La Salle’s Danica Bolos, Reyne Calimlim at Pauline Ramos, Iloilo’s Annelyn Alba at Camille Burgos, Bulacan’s Ana Fajardo, Kathleen Balatbat, Jamila Cruz ng Victor-Pcome at Escoses Training Camp’s Pamela Lim at Cassandra Lim.

Ang Bacolod swing ay ikalawa sa apat na torneong inilinya ngayong taon sa mga probinsya para mabigyan ng pagkakataon ang mga provincial players na makalaro sa top-level tournaments at makakuha ng ranking points.

ALBEE BENITEZ

ALCALA

ANA FAJARDO

ANG BACOLOD

ANNELYN ALBA

BACOLOD CITY

BIANCA CARLOS

CAMILLE BURGOS

CASSANDRA LIM

DANICA BOLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with