Pinoy boxer pa-China ngayon

GUIYANG, China--Na­katakdang magtungo bukas ang isang seven-man national team para sumabak sa China Open Boxing Championship na magsisimula bukas sa Guiyang Province.

Pangungunahan ni 2010 Asian Games gold medal winner Rey Saludar ang koponan kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Victorio at sina Ricky Dulay, Wilfredo Lopez at ang Tacuyan brothers na sina Orlando at Rolando.

Si Ana Liza Cruz ang nag-iisang lahok ng bansa sa women’s division sa lalaruang 51-kilogram ca­tegory.

Sasabak si Victorio sa 49 kg. division, si Rey sa 51kgs., si Dulay sa 56kgs., si Orlando sa 60 kgs., si Rolando sa 64kgs. at si Lopez sa 69kgs.

Inangkin ni Rey ang ang gintong medalya sa nakaraang 2010 Asian Ga­mes makaraang sorpresahin si Yong Chang, 13-11, sa gold medal round.

Sina coach Roel Velasco, ang bronze medalist sa 1992 Barcelona Olympics, at Ronald Chavez ang aagapay sa national squad.

Show comments