De La Hoya humingi ng tawad kina Arum, Pacquiao
Manila, Philippines - Nagpakumbaba si Oscar De La Hoya sa mga maling ginawa nang humingi ito ng tawad kina Top Rank Promoter Bob Arum at sa pambansang kamao Manny Pacquiao.
Sa kanyang twitter account, ipinabatid ni De La Hoya ang kanyang paghingi ng paumanhin sa dalawa matapos pulaan ang mga nagawa ni Pacquiao sa kanyang boxing career.
“Dear Bob Arum, first I would like to humbly apologize for the pain I have caused to you or to your family,” wika ni De La Hoya. “I also want to apologize to Manny Pacquiao for any wrong doing in my part. You are a great champion,” wika pa nito sa kanyang twitter.
Nagkairingan ang Golden Boy at si Arum sa agawan para kay Pacquiao na naresolbahan sa korte.
Naulit ang iringan ng dalawang boxing promotions nang pasukin ng GBP si Filipino Flush Nonito Donaire Jr. na dating hawak ng Top Rank. Dinidinig naman ang kasong ito kaya’t hindi pa nakakalaban uli si Donaire.
Pinulaan naman ni De La Hoya ang husay na taglay ni Pacquiao nang samahan si Floyd Maywea-ther Jr. sa pagdududa kung gumagamit ba ito ng illegal na droga dahil patuloy nitong napapanatili ang lakas kahit panay ang akyat ng timbang.
Nagduda si De La Hoya dahil bugbog siya kay Pacquiao at napilitang umayaw sa pagtatapos ng eight round nang nagtuos noong 2008. Dahil sa paninirang puri ay nagsampa ng reklamo sa korte si Pacquiao at dinidinig pa ito hanggang ngayon.
Si De La Hoya ay kasalukuyang nasa rehabilitation center.
Nagkairingan naman ang GBP at ni Arum sa agawan kay Manny.
- Latest
- Trending