^

PSN Palaro

Diaz sumira ng 6 na record; 5 karatekas sinibak na sa payroll ng PSC

- Ni Russell Cadayona -

BACOLOD CITY, Philippines --Nagbunga ang ginawang pagsasakripisyo ni Olympian Hidilyn Diaz nang bumuhat ng anim na bagong natio­nal record para sa kanyang dalawang gintong medalya sa women’s weightlifting competition ng 2011 Philippine National Games.

Nagsumite ang 20-an­yos na si Diaz ng mga ba­gong buhat na 95-kilogram sa snatch at 120kg sa clean and jerk para sa kabuuang 215kg sa open 58kg division na sumira sa kanyang 94-115-209 na kan­yang itinala sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Bumuhat ang 2008 Olympic Games campaig­ner ng 95kg sa snatch at 120kg sa clean and jerk para sa kabuuang 215kg sa juniors 58kg class na bumasag sa kanyang 88-111-196kg noong 2010 Asiad.

Bukod sa anim na ba­gong record ni Diaz, apat naman ang iginuhit ng 17-anyos na si Maybelyn Pablo sa open 75kg. sa kanyang 76kg sa snatch na sumira sa dating 72.5kg at 76-98-174kg sa juniors 75kg. na bumura sa lumang 70-85-115kg.

Tatlong bagong mar­ka ang 75-85-160kg ang ipi­noste ni Lea Ruth Llena sa secondary 63kg na sumira sa dating 50-67-117kg., habang mga bagong 85kg sa snatch at kabuuang 185kg naman ang itinala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Patricia sa secondary 89kg event.

Sa taekwondo sa Neg­ros Occidental Multi-Purpose Activity Center, kumuha ng ginto sa kani-kanilang events sina Ferdinand Deli­zo ng Baguio (men’s bantamweight), Billy Joe Soria ng Baguio men’s (finweight), Samuel Thomas Morrison ng NCR (men’s lightweight), Jyra Marie Lizardo ng NCR (women’s bantamweight) at Leigh Anne Buguid ng NCR (women’s finweight).

Ipinakita naman ni John Baylon, hangad ang kanyang pang 10 sunod na gold medal sa 26th Southeast Asian Games sa Nobyembre, ang kanyang eks­peryensa nang sikwatin ang ginto sa men’s -81kg. class sa judo sa Riverside College.

Tinalo ng 46-anyos na si Baylon si Jayson Senales sa final round.

Samantala, limang ka­ra­tekas ang masasampolan ng ipinapatupad na patakaran ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa paglahok ng mga national athletes sa kasalukuyang 2011 Philippine National Games dito.

Dahil sa hindi pagsali sa 2011 PNG, nagdesisyon si PSC chairman Richie Garcia na alisin na sa kanilang payroll simula sa Hunyo sina Sharif Afif, Jan Paul Morales, Raymund Mejico, Renato Manalo at Marna Pabillore.

“Effective at the end of this month their allowances will be remove and they will also be ordered to vacate their dormitories,” galit na wika kahapon ni Garcia sa nasabing limang ka­ratekas.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BILLY JOE SORIA

DIAZ

FERDINAND DELI

JAN PAUL MORALES

JAYSON SENALES

JOHN BAYLON

JYRA MARIE LIZARDO

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with