MANILA, Philippines - Puntirya nina Bianca Carlos at Antonino Gadi ang kanilang magkasunod na panalo sa Open division ng second leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) na hahataw sa Mayo 31 sa Pohang Badminton Courts sa Bacolod City.
Kinumpirma ng mga pambato ng Golden Shuttle Foundation ang kanilang paglalaro sa week-long even kahit na kasali ang mga nagwagi sa kickoff leg sa PowerSmash noong Abril.
Para mabigyan ng pagkakataon ang mga players mula sa probinsya na makasali sa top-level tournaments at makakuha ng ranking points, dalawang regional tournaments ang idaraos ng PBaRS sa Hulyo 31 hanggang Agosto 6 sa Davao.
“It is also aimed at discovering fresh talents who could be trained and developed into becoming members of the national pool,” wika ni PBaRS tournament director Nelson Asuncion.
Para sa detalye, maaring mag-log on sa www.pbars.com o sa email info@pbars.com.
Ang serye ng PBaRS nationwide tournaments ay proyekto nina Vice President Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.