MANILA, Philippines - Pinangunahan ng mga Filipino riders ang 2011 Enersel Forte National Motocross Series kamakalawa sa Dipolog City.
Binanderahan ng Golden Wheel Awardee at kauna-unahang kampeon ng Asian Motocross na si Glenn Aguilar ang Pro-Lites at Pro-Open events.
Nanaig rin sa kani-kanilang mga kategorya sina: Jimuel Nacua (Beginner Local Open Enduro), Atong Mangosong (Intermediate), Ompong Gabriel (50 cc), BJ Pepito (65 cc), Jougee Basco (85 cc), Mark Medina (Beginner Open Prod), Timoy Olmoquez (Novice Open Prod), Saisai Busayung (Novice Production B Lites), Basio Alinon (Underbone Open), Michael Rivera (Underbone Local Open), Pia Gabriel (Ladies), Jimuel Nacua (Open Local Enduro), Dexter Bacabac (Executive A Veterans), Hermis Bantoc (Executive B 40 years old and above) at Paul June Padilla (Executive C).
Ang karera, na inorganisa ng lokal na Dipolog Cycles Unlimited ay kasabay ng taunang piyesta ng Dipolog na “Hudyaka Zanorte.” Ang karera sa Dipolog ay bilang pagpapatuloy sa plano ng SEL-J Sports na muling buhayin ang motocross sa bansa.
Ang SEL-J ay nagsasanay ng mga bata at mahuhusay na riders na maging world-class na racers.