Barrios tiwala sa Gilas

MANILA, Philippines - Walang kaba si Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa kampanya ng Smart Gilas sa eliminas­yon ng FIBA Asia Cham­pions Cup na magsisimula na sa Sabado sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa pagdalo sa PSA Forum kahapon, sang-ayon si Barriors na mabigat na kalaban ang two-time defending champion Iran at Lebanon dahil sa lalim ng manlalarong dadalhin sa kompetisyon.

“From what I’ve heard, Iran and Lebanon are the tough teams here. Lebanon has three or four national players with 7’2 NBA ve­teran Loren Woods while Iran has won the last four Champions Cup with two different ballclubs,” wika ni Barriors.

Pero iintindihin ito ng Gilas kapag sumapit na ang labanan sa quarterfinals dahil nasa mas magaan na Group A ang host country.

Kasama sa grupo ng Pam­bansang koponan naghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship na qualifying tournament sa London Games sa Setyembre sa China ang KL Dragons ng Malaysia, Al Ittihad ng Jedah, Saudi Arabia, Duhok Sports Club ng Iraq at Applied Science University ng Jordan.

Unang laro ng Gilas sa Sabado ay laban sa Saudi Arabia at isusunod ang Ma­laysia sa Linggo.

Ang kabilang grupo ay binubuo naman ng Mahram ng Iran, Al Riyadi ng Lebanon, Al Rayyan ng Qatar, Al Jalaa ng Syria at Al Shabab ng UAE.

Show comments