MANILA, Philippines - Nakuha ng Caloocan ang karapatang maging kinatawan ng North Zone nang talunin ang Valenzuela, 77-70, sa knockout game sa 2nd Coca-Cola Hoopla NCR Championship nitong Linggo.
Nagkaroon ng do-or-die game nang unang manalo ang Valenzuela, 77-66, nitong Sabado pero sa mahalagang labanan ay lumabas uli ang tikas ng Caloocan upang masamahan ang Quezon City (East), Mandaluyong (Central) at Antipolo (West) sa double round Inter-Zonal.
May 24 puntos si Arjhay Napenas habang 14 naman ang ibinigay pa ni Rodel Garcia para pamunuan ang Valenzuela.
Ang aksyon sa South Zone na lamang ang hinihintay upang makumpleto ang limang koponang maglalaban-laban para madetermina kung sino ang hihiranging kampeon ng ikalawang edisyon ng palarong suportado ng Coca-Cola.
Dinurog ng Pasay ang nagdedepensang Muntinlupa, 99-86, sa pagsasanib ng 52 puntos nina Harold Lomtong at Gio Ramos upang magsalo ang dalawa koponan sa 5-3 karta sa ikalawa sa huling laro sa Inter-City competition.
Nanalo rin ang Taguig sa Parañaque, 69-40, para manatiling nangunguna sa grupo sa 5-2 karta.
Ang Inter-Zonal ay magsisimula sa Mayo 29.