Gold kinana ni Garcia sa Asian chessfest
SUBIC, Philippines -Mula sa kanyang gold-medal triumph sa katatapos na Asian Youth chess championships, nakalapit si Jan Emmanuel Garcia sa titulo ng pagiging isang international l master.
Sinabi ni Asian Chess Federation deputy vice president Toti Abundo na kailangan lamang pagandahin ni Garcia ang kanyang ELO 2344 rating sa 2400 ngayong taon para makapag-apply siya sa IM title.
Isang mainstay ng star-studded Ateneo chess team sa ilalim ni coach Idelfonso Datu, nakuha ni Garcia ang dalawang IM norms sa nakaraang Asian Individual chess championships.
Noong Sabado, kinuha ng incoming fourth-year high school student ang nag-iisang gold medal ng bansa sa 287-player, 20-nation tournament mula sa paghahari sa boys 16 years old and under category.
Tumapos ang V. Luna Chess Club member na may 5 wins at 4 draws para sa kanyang 7 points kasunod sina Nima Jabanbakht ng Iran at Ranjan Sahoo ng India, kababayang si Dominique Lagula at Ali Valizadeh ng India.
Sa likod ni Garcia, pumangalawa ang bansa sa India sa naisulong na 1 gold, 3 silvers at 2 bronze.
- Latest
- Trending