MANILA, Philippines - Pinayukod ng St. Clare Colege-Caloocan ang Metro Manila College, 61-55 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa 2011 RCBC Mayor Alfredo S. Lim Summner Mini-Olympics basketball tournament nitong weekend sa San Andres Gym sa Manila.
Bumandera sa opensa sina Mark Gil at MJ Paguirigan na kumana ng 21 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod at panatilihing malinis ang kartada ng Saints na pinamamahalaan ni Dr. Ernesto ‘Jay’ Adalem patungo sa final week ng tournament.
Gumawa naman si Flynn Macapulay ng 26 at nagdagdag si Noel Arcilla ng 12 puntos para sa MMC na wala pa ring panalo sa apat na laro.
Sa iba pangf laro, hiniya ng Universidad De Manila ang FEATI, 75-55, at manatili sa kontensyon taglay ang 3-1 kartada. Nanguna si Jayzee Garnica sa UdM sa paglista ng 18-pts.