OKLAHOMA CITY - Nakabawi ang Dallas Mavericks mula sa isang napipintong pagkulapso sa fourth quarter upang talunin ang Oklahoma City Thunder, 93-87, sa Game 3 at kunin ang 2-1 lead sa Western Conference finals.
Si Dirk Nowitzki ang naging susi ng Mavericks sa paggupo sa Thunder, nakabangon buhat sa isang 23-point deficit, mula sa kanyang isinalpak na key jumpers sa fourth quarter.
Naimintis ng German ang 10 sa kanyang unang 14 shots.
Tumapos si Nowitzki na may 18 points mula sa kanyang masamang 7 for 21 shooting.
“We didn’t really have a lot going in the second half offensively, so I’ve got to keep attacking for this team like I have for the last 13 years,” sabi ni Nowitzki. “This team needs me to score and to keep being aggressive.”
Sinabi ni coach Rick Carlisle na si Nowitzki ang siya pa rin nilang aasahan sa gitna ng paghahabol ng Oklahoma City.
Malamya rin ang ipinakita ni NBA scoring champion Kevin Durant para sa Thunder sa kanyang 7 of 22 shooting para magtala ng 24 points at 12 rebounds.
Pinangunahan ni Russell Westbrook, naging instrumento sa pagbangon ng Oklahoma City sa fourth quarter, sa kanyang 30 points.
Tumalbog ang mga three-point shots nina Westbrook at Daequan Cook na nagdikit sana sa Thunder sa tatlong puntos kasunod ang jumper ni Westbrook, 86-78 sa huling 1:42 ng labanan.
Nagdagdag pa si Nowitzki ng isang jumper upang ilayo ang Dallas.
Nag-ambag si Shawn Marion ng 18 points para sa Mavericks sa itaas ng tig-13 nina Jason Kidd at Terry Tyson Chandler, humakot ng 15 rebounds para sa nasabing panalo.