MANILA, Philippines - Boluntaryong pumasok si boxing great Oscar De La Hoya sa isang rehabilitation clinic sa California, USA.
Ito ang iniulat ng TMZ.
“He is my friend and I wish him well,” sabi ni Golden Boy CEO Richard Schaefer, ang matalik na kaibigan ni De La Hoya, sa panayam ng ESPN.com sa Bell Centre sa Montreal noong Sabado ng gabi kung saan ibinabalita niya ang laban nina Jean Pascal at Bernard Hopkins sa isang light heavyweight championship rematch.
“I’m sure that all the fans are joining me in wishing him the best,” dagdag pa nito.
Inamin rin ni Schaefer na nasa rehab si De La Hoya kaya hindi siya kasama sa magiging pinakamalaking boxing event ng Golden Boy ngayong taon.
“After doing an honest evaluation of myself, I recognize that there are certain issues that I need to work on,” ani De La Hoya sa isang statement. “Like everyone, I have my flaws, and I do not want to be one of those people that is afraid to admit and address those flaws.”
Si De La Hoya, isang dating six-division title holder,ay may career record na 39-6 win-loss card.
Nagretiro siya matapos ang isang technical knockout loss kay Manny Pacquiao noong Disyembre ng 2008.